1. Bulubundukin ng Zambales:
Explanation:
Ang Kabundukan ng Zambales o Bulubundukin ng Zambales (Ingles: Zambales Mountains o Zambales Mountain Range) ay isang kabundukan o bulubundukin (mabundok na pook o hanay ng mga bundok) na nasa kanlurang Luzon ng Pilipinas. Ang mga bundok na ito ang naghihiwalay sa gitnang kapatagan magmula sa Dagat ng Timog Tsina. Ang pinaka nakaungos na seksiyon nito ay nakikilala bilang Kabundukan ng Cabusilan na binubuo ng Bulkang Pinatubo (Bundok Pinatubo), Bundok Negron, at Bundok Cuadrado, na pinaniniwalaang mga labi ng ninuno nitong tuktok ng Bulkang Pinatubo. Ang pinakamataas na elabasyon (kataasan o tayog) ng kabundukan ay ang Bundok Tapulao, na nakikilala rin bilang Mataas na Tuktok (High Peak), na nasa lalawigan ng Zambales na may taas na umaabot sa 2,037 metre (6,683 ft).