Produkto ng Bawat Komunidad
sa Gitnang Luzon
Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales
Answer:
Mga Produkto ng Gitnang Luzon
Aurora
Pangunahing produkto ng Aurora ang copra, bigas, rootcrops, saging, at mga isdang nahuhuli sa Pacific Ocean. Matatagpuan din dito ang mga sumbrerong buntal.
Bataan
Pangunahing produkto ng Bataan ang mga lamang dagat na nahuhuli sa West Philippine Sea. Marami rin ditong nabibiling bigas, rootcrops kagaya ng uraro, at mga prutas at gulay.
Bulacan
Dahil nagiging industrialized na lalawigan na ang Bulacan, ilan sa mga pangunahing produkto nito ay ang leather, semento, ceramics, prinosesong mga pagkain, at sapatos. Produkto rin ng Bulacan ang mga alahas, kakanin at panghimagas, bigas, mais, gulay, at prutas.
Nueva Ecija
Pangunahing produkto ng Nueva Ecija ang bigas, mais, sibuyas, mangga, calamansi, saging, bawang, at iba’t-ibang mga gulay. Marami ring mga produktong ibinebenta dito na gawa sa gatas ng kalabaw.
Pampanga
Nangunguna ang Pampanga pagdating sa tocino, tapa, hotdog, longanisa, sisig, at iba pang masasarap na lutong bahay. Produkto rin ng lalawigan ang mga parol, mwebles, inukit na rebulto, iba’t-ibang mga handicrafts, bigas, mais, tubo, at tilapia.
Tarlac
Produkto ng Tarlac ang tubo, bigas, mais, buko, talong, bawang, sibuyas, mangga, saging, at calamansi. Nakukuha rin sa Tarlac ang mga isda mula sa mga palaisdaan, troso, manganese, at bakal.
Zambales
Pangunahing produkto ng Zambales ang mga mineral kagaya ng chromite, copper, ginto, at bakal. Ilan pang mga produktong nakukuha sa Zambales ang mangga, bigas, mais, gulay, rootcrops, at mga isdang nahuhuli sa West Philippine Sea.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Central Luzon, bisitahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/227187
#BrainlyEveryday