Disiplina Para Sa Kapaligiran Damhin Ang Amihang May Samyo Ng…

Disiplina para sa kapaligiran

Damhin ang amihang may samyo ng mga bulaklak,

Iwaglit ang lumbay,pangarap at ngumiti sa tuwi-tuwina;

Sa kapaligiran ialay ang lugod na abot hanggang alapaap:

Iwasan ang pagtuyak,pagsira at paggahasa sa kalikasang ina

Panuntunan ay sundin at ang mga batas na sa ati’y pinaiiral;

Lingapin para sa kalupaan,kalawakan,karagatan at kalip;

Isipin muna ang gagawin,kalikasa’y laging isaalang-alang

Nasa disiplina ng tao upang mundo’y laging may ngiti.

Araw-araw ang kalinisan at kaayusan kahit saan mang lugar,

Dapat isaisip,isapuso at isagawa ng matanda man o bata;

O,kay saya ng lahat,may disiplina para sa kapaligiran!

1.Ibigay ang mensahe ng tula.

2.Anong suliranin ng kalikasan sa kasalukuyang panahon ang pumupukaw sa iyong damdamin?

3.Kung bibigyan ka ng kapangyariham ng diyos na ayusin ang napakalaking suliranin ng mundo ukol sa kapaligiran,anong suliranin ang gagawan mo ng solusyon?Bakit ito ang napili mo?

4.Ano ang mga mga mangyayari kapag nagkaisa ang lahat para sa pinapangarap na mundo?Patunayan

5.Ano ang naidudulot ng kalinisan at kaayusan sa buhay ng mga mamamayan?

Answer:

1.ang mensahe na ipinapahiwatig sa tula ay tungkol sa kalinisan ng ating kapaligiran

2.pagtatapon ng mga tao sa hindi tamang tapunan

3.kung ako man ay mabibigyan ng kapangyarihan ng diyos ay pipiliin ko na magkaroon sana ako ng kapangyarihan na mawala at ma recycle ang mga kalat sa kapaligiran

4.magiging maayos ang lahat hindi lang sa bansa natin kundi sa buong mundo,at kung mangyayari iyon magkakaroon ang mga hayop ng maayos na tirahan

5.napapanatili nito na maayos at magkaroon ng malinis na matitirahan ang mga hayop

See also  Sa Kantang Upuan, Sa Anong Kadahilanan At Madalas Pinag-aagawan Ang Upuan Na Iyon...

Explanation:

HOPE IT HELP;D