ano ang aral na natutunan mo sa kwenton na ang gamu gamo at ang lampara
Ang aral na matututunan sa kwento ng gamugamo at lampara ay ang makinig sa babala ng mga magulang at huwag magpapasilaw sa ningning ng mga bagay sa mundo.
Ano ang kwentong Ang Gamugamo at Ang Lampara?
Ang kwentong ito ay isang pabula na binasa ng ina ni Jose Rizal sa kanya noong sya ay bata pa lamang.
Tungkol ito sa mag-inang gamugamo. Ang batang gamugamo ay tuwang tuwa na lumilipad sa paligid na isang nakasinding lampara. Masaya siyang tignan ang liwanang na nagmumula sa apoy nito. Tinawag siya ng kanyang inang gamugamo at pinagsabihan na siya ay mag-ingat. Huwag daw siyang lilipad na malapit sa apoy dahil baka masunog ang kanyang pakpak.
Ngunit hindi nakinig ang anak na gamugamo sa kanyang ina. Mas pinili niya na lumapit sa apoy upang mas lalong makita ang liwanag at ang pagkintab ng kanyang mga pakpak dahil sa apoy. Lumapit siya nang lumapit sa lampara hanggang sa nangyari ang kinatatakutan ng kanyang ina. Nasunog nga ang pakpak ng batang gamugamo at hindi na siya muling nakalipad.
Ano ang aral na maaaring mapulot mula sa kwento?
Una, itinuturo ng pabulang ito na tayo ay dapat makinig sa mga babala at pangaral ng nakatatanda lalo na ang ating mga magulang. Nais lamang nila na maging ligtas tayo at gusto nila tayong ilayo sa mga kapahamakan. Dapat tayong makinig at sumunod sa kanila dahil hindi sila magsasabi sa atin ng anumang maari nating ikasama.
Pangalawa, huwag tayong magpapasilaw sa kinang ng mga bagay sa ating paligid. Hindi lahat ng sa tingin natin na maganda at nakakatuwa ay makbubuti sa atin. Katulad ng apoy na nakaakit sa batang gamugamo, maraming bagay sa mundo na maaaring makaakit sa atin ngunit hindi makadudulot ng kabutihan. Halimbawa ay ang pag-inom ng alak, paggamit ng pinagbabawal na gamot at iba pang mga bagay na maaaring makapagbigay ng pansamantalang kasiyahan sa atin ngunit ang kapalit naman ay ang ating kinabukasan at minsan pa ay maging ang ating buhay.
Tignan ang link na ito para sa iba pang aral sa kwento ng gamugamo:
https://brainly.ph/question/21818639
#SPJ5