May Isang Jeep May Limang Sumakay Bumaba Ang IsaMay Dalawang Buntis Na Sumakay May…

May isang jeep may limang sumakay bumaba ang isaMay dalawang buntis na sumakay may bumaba na isang buntis ilan ang tao na natira?

Answer:

Lima

May isang jeep na lima ang sakay, bumaba ang isa kaya naging apat na lamang ang sakay ngunit may dalawang buntis na sumakay, nadagdagan ng dalawa kaya naging anim na ang nakasakay at may bumaba naman na isang buntis kaya nabawasan na muli ng isa ang sakay kaya’t ang naiwan  at natira na lamang na nakasakay sa jeep ay lima.

Palaisipan  

Ang palaisipan o logic ay kilala rin bilang bugtong, pahulaan, o patuturan, ito ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan. Ito ay payak at simple na umaasa lamang sa patudyong gamit ng tanong at sagot.  

Iba pang Halimbawa ng Palaisipan  

1. Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat?  

Sagot: G  

2. Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?  

Sagot: Kasi nakasara, bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.  

3. Anong isda ang lumalaki pa?  

Sagot: Yung bata pa.  

4. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?  

Sagot: Donut na may butas sa gitna  

5. Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay naging pabilog, At nang aking kainin ito ay naging tatsulok.  

Sagot: Pizza Pie  

6. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola na di man lang nagalaw ang sumbrero.  

Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero  

7. 10, 20, 30, 40, 50, 60, 70, 80, 90, tanong ano ang kasunod ng 90?  

Sagot: Ang kasunod ng 90 ay maaring “100” o salitang “tanong” o “kuwit (comma)”  

8. Anong meron sa itlog na meron din sa dagat?  

Sagot: Shell  

9. Anong meron sa wala na wala sa meron?  

Sagot: Wala  

10 Ano ang meron sa dagat na meron din sa ilog?  

Sagot: Letrang “g”  

11. Kung ikaw ay maliligo ano ang unang mababasa?  

Sagot: “kung”  

12. Anong wala sa eroplano na meron sa kotse, tricyle at motorcycle?  

Sagot: Side Mirror  

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na:  

Iba pang Halimbawa ng Palaisipan: brainly.ph/question/258458, brainly.ph/question/496008  

#LetsStudy  

See also  Lugar Na Sinilangan Ni Ramon Magsaysay​