Elemento Ng Ang Hukuman Ni Sinukuan ​

elemento ng Ang Hukuman ni Sinukuan

Ang Hukuman ni Sinukuan

Sa Mga Guro at MagulangNarito ang isang nakaaaliw na kuwentong-bayan na nagbibigay ng paliwanag sa maraming bagay tungkol sa mga hayop at insekto. Unang-una, ipinaliliwanag sa istoryang ito kung bakit hindi nangangagat ang lalaking lamok at kung bakit mahilig itong umali-aligid at humuni-huni sa tenga ng tao. Pero sa loob ng istorya ay nagkakaroon din ng paliwanag kung bakit may dalang bahay ang pagong, kung bakit nasa taas ng puno ang pugad ng martines, kung bakit may dalang ilaw ang alitaptap kung gabi at iba pang mga kakaibang katangian ng mga hayop at insekto. Ipinakikilala rin sa kuwentong ito si Mariang Sinukuan, ang diwata sa bundok Arayat sa lalawigan ng Pampanga. Ipinakita ni Maria sa kuwentong ito ang pagiging makatarungan nang magkagulo ang mga hayop at insekto at magkaroon ng paglilitis sa kanyang hukuman.Ang KuwentoNoong araw, si Mariang Sinukuan ang reyna sa bundok ng Arayat. Iginagalang siya ng mga tao sa paligid ng bundok. At dahil isang diwata, iginagalang din siya ng mga hayop. Sinasabi na may hukuman si Maria sa bundok ng Arayat at dito nililitis ang kaso ng mga hayop. Isang araw, umiiyak na dumating si Martines sa hukuman ni Mariang Sinukuan. Dali-dali niyang ipinakita kay Maria ang kanyang dala-dalang mga basag na itlog. “Bakit? Ano ang nangyari at nabasag ang iyong itlog?” tanong ni Maria. “Kasi po, kagabi, dumamba nang dumamba si Kabayo at natapakan ang aking pugad,” sumbong ni Martines habang umiiyak.Ipinatawag ni Maria si Kabayo. “Bakit ka dumamba ng dumamba kagabi kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?” tanong ni Maria sa Kabayo pagdating. “Kasi po, nagulat ako sa biglang pagkokak ni Palaka,” paliwanag ni Kabayo.Ipinatawag ni Maria si Palaka. “Bakit ka biglang kumokak kagabi kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?” tanong ni Maria kay Palaka pagdating. Kasi po, humihingi lang ako ng saklolo dahil dala ni Pagong ang kanyang bahay at natakot akong mabagsakan,” paliwanag ni Palaka.Ipinatawag ni Maria si Pagong. “Bakit dala mo ang bahay mo kagabi kaya natakot at kumokak si Palaka kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?” tanong ni Maria kay Pagong pagdating. “Kasi po, may dalang apoy si Alitaptap at natatakot akong masunog ang aking bahay,” paliwanag ni Pagong. Ipinatawag ni Maria si Alitaptap. Bakit may dala kang apoy kagabi kaya nagbuhat ng bahay si Pagong kaya natakot at kumokak si Palaka kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?” tanong ni Maria kay Alitaptap pagdating. “Kasi po, natatakot akong masaksak ni Lamok. May dala siyang gulok araw-gabi at apoy lamang ang panlaban ko sa gulok,” paliwanag ni Alitaptap. Ipinatawag ni Maria si Lamok. “Bakit may dala kang gulok araw-gabi kaya nagdala ng apoy si Alitaptap kaya nagbuhat ng bahay si Pagong kaya natakot at kumokak si Palaka kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?” tanong ni Maria kay Lamok pagdating. “Kasi po, hinahanap ko si Talangka,” paliwanag ni Lamok.

See also  Slogan For Pagmamahal Ng Magulang Sa Anak

“Bakit naman galit ka kay Talangka?” tanong uli ni Maria kay Lamok. “Kasi po, sinipit niya ako nang minsang magdaan ako sa kanyang bahay. Mabuti at daplis lang ang sipit niya. Wala akong gulok na dala noon. Nang bumalik ako ay nagtago siya at hindi malaman kung saan nagpunta. Pero maski saan siya magsuot, hahanapin ko siya,” galit nag alit na paliwanag ni Lamok.

Dahil sa laki ng galit ni lamok, wala sa loob na iwinasiwas niya ang dala-dalang gulok. Tinamaan si Palaka at kumokak ng malakas. Nagulat si Kabayo at dumamba nang dumamba. Nagkanya-kanyang takbo sina Martines, Alitaptap, Pagong at iba pang mga saksi. Nagulo ang buong hukuman ni Maria.Dito nagalit si Maria at ipinasiyang parusahan si Lamok. “Masyado kang marahas, Lamok,” sabi niya. “Kung nagkasala si Talangka sa iyo, dapat na isinumbong mo siya dito at bahala akong magparusa sa kanya. May batas tayo at hukuman para sa pagkakasala. Pero dahil naging marahas ka, nagulo pati ang iyong mga kapitbahay. Pati ang hukumang ito ay nagulo sa iyong kawalan ng pagtitimpi.Pinarusahan ni Maria si Lamok na mabilanggo sa loob ng tatlong araw. Ipinagbawal din niya ang pagdadala ng gulok sa paglilibot ni Lamok. Pinagbayad din niya si Lamok sa mga nabasag na itlog ni Martines at pinayuhan si Martines na huwag nang gagawa ng pugad sa lupa.Natakot si Lamok na maparusahan uli kaya nang makalaya ay hinding-hindi na nagdala ng gulok. Pero patuloy pa rin siya sa kanyang paghahanap sa kalabang Talangka. Si Talangka naman ay lagi nang nasa butas at nagtatago kay Lamok. Kaya ngayon, pag may aali-aligid at bubulong-bulong na kulisap sa iyong tenga, si Lamok iyon. At akala ay butas ni Talangka ang butas ng iyong tenga.

See also  Paano Ginamit Ang Bawat Pangungusap Sa Pakikipagkomunikeyt Ng Isang...