kawili wiling impormasyon ni Emilio aguinaldo?
personal na impormasyon ni Emilio Aguinaldo?
Answer:
Si Emilió Aguinaldo y Famy[1] (22 Marso 1869 – 6 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral, politiko at pinúnò ng kalayaan, at ang unang Pangulo ng Pilipinas sa Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899 – 1 Abril 1901) na makikita sa limampisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Isa siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang hulí ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bílang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga hulíng panahon ng kaniyang búhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2] Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.
Explanation:
paki-ikian nalang po pag marami masiyado
Talambuhay ni emilio aguinaldo. Cavite exposé: makasaysayan ang pamahalaan diktatoryal. Aguinaldo emilio gen
emilio aguinaldo ni talambuhay
Emilio aguinaldo talambuhay buod. Talambuhay ni emilio aguinaldo. Aguinaldo emilio notable most declaration 1919 hero everipedia wiki wikipedia
Talambuhay ni emilio aguinaldo slideshare. República filipina: emilio aguinaldo (1869-1964). Aguinaldo emilio 1869 1964 filipino leader