Ano Ang Mga Ibinigay At Ipinayo Ng Ermitanyo Kay Don Juan Para Mahuli Ang Ibon…

ano ang mga ibinigay at ipinayo ng ermitanyo kay don juan para mahuli ang ibong adarna?

Ano ang mga ibinigay at ipinayo ng ermitanyo kay don juan para mahuli ang ibong adarna?

Ano ang ibinigay kay Don Juan ng ermitanyo?

1. Binigyan si Don Juan ng pitong dayap.

2. Isang tali na ginto.

Ano ang ipinayo ng ermitanyo kay Don Juan?

1. At mahigpit na ibinilin ng ermitanyo ay ang sumusunod:

• “ Sa bawat pag-awit awitin ng ibong adarna ay susugatan mo ang iyong bisig at pipigaan ng dayap ang sugat upang sa kirot  na mararamdaman ay hindi makatulog sa kabila ng malambing niyang awit.

• Pagkatapos ng pitong awit ay magbabawas ang ibong adarna bago matulog. Iwasan mong mapatakan ka  noon kundi ay magiging bato ka.

• Ang taling ito ay mabisa upang siya ay talian.

At kapag nahuli mo ang ibong adarna ay sumalok ka ng tubig sa bukal na malapit sa puno at ibuhos mo sa iyong dalawang batong nasa ilalim ng puno upang bumalik ulit sa dating anyo ang dalawa mong mga kapatid.

Maikling buod ng kuwento:

• Sa kwento ay nagkaroon ng malubhang karamdaman ang ama ng tatlong binate at sila ay naatasang kumuha ng gamut upang gumaling ang kanilang ama.  

• Nauna ang panganay na bigo at naging bato at sumunod ay ang pangalawang anak na naging bato rin.  

• Noong ang pangatlong anak na ang pumunta sa bundok ay nakarinig siya ng tinig at nang kanyang makita ito ay isang matandang ketongin ang kanyang pinakain ang kanyang pagkain at binigyan siya ng paalala ng matandang iyon.

See also  2. Ang Editoryal Sa Itaas Ay Isang Halimbawa Ng Editoryal Isa__- A. Namu...

• Dahil sa ipinamalas na kabutihang loob ni Don Juan, tinanong siya ng matanda kung ano ang sadya nito sa kabundukan at sinabi nito sa matanda na hinahanap niya ang ibong adarna.

• Sabi ng matanda bago ni Don Juan pangahasin na hulihin ang ibong adarna ay kailangang makipagkita muna siya sa ermitanyo na naninirahan sa isang kuweba sa bundok ng tabor.

• Inakyat ni Don Juan ang bundok at Nakita niya ang ermitanyo at tinanggap naman siya nito, sa katunayan ay pinakain pa siya nito.

• At habang sila ay nag-uusap ay maraming bagay na ibinilin ang ermitanyo kay Don Juan.

Related links:

ano ang ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan:brainly.ph/question/1310760

brainly.ph/question/2608370

brainly.ph/question/1403933

#LEARNWITHBRAINLY