ano ang pinagkaiba ng pormal at di pormal na sanaysay?
Answer:
Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu. Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda. Iyan ang kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.
Sanaysay na Pormal
Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.
Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay manghikayat, magturo o magpaliwanag.
Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga sinasabi ng may-akda sa isang sanaysay na pormal. Madalas na ito’y base sa pananaliksik at masusing pag-aaral.
Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas seryoso at teknikal.
Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.
Sanaysay na Di-Pormal
Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding Sulating Impormal.
Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng sumulat nito.
Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling karanasan o opinyon ng may-akda.
Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay manudyo, magpatawa o mangganyak.
Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagka-malikhain ng may-akda.
Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.
Iyan ang kahulugan ng sanaysay na pormal at di-pormal. Sana ay makatulong ito kapag sumulat ka ng iyong sariling sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.
Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click at basahin:
Ano ang isang lakbay-sanaysay? https://brainly.ph/question/491100
Ano nga ba ang ibig sabihin ng sanaysay? https://brainly.ph/question/454272
Anu-ano nga ba ang mga bahagi ng isang sanaysay? https://brainly.ph/question/167003
Answer:
• Ang salitang pormal ay tumutukoy sa isang bagay na ginagawa alinsunod sa mga patakaran at regulasyon na nauukol sa okasyon o lugar.
• Sa kabilang banda, ang salitang impormal ay tumutukoy sa isang bagay na hindi ginagawa alinsunod sa mga patakaran at regulasyon na nauukol sa okasyon o lugar. Ito ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang salita.
• Ang salitang pormal ay ginagamit na may kaugnayan sa damit, pananalita, pagpupulong at iba pa.
• Ang pormal na sumusunod sa protocol samantalang ang impormal ay hindi sumunod sa protocol.
Ito ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang salita, ibig sabihin, pormal at impormal.