Ano Po Yung Ibig-sabihin Ng Ganap O Di Ganap Sa Tugmaan Sa Tula…

ano po yung ibig-sabihin ng ganap o di ganap sa tugmaan sa tula?​

Answer:

Tugmaang ganap — ang mga taludtod ay nagtatapos sa patinig o impit na tunog at sa gayon ay mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga taludtod ng tula.

Halimbawa:

Pakinggan mo aking bunso itong mga sasabihin

Na sa aking katandaa’y parang huling habilin

Sa puso mo ay ingatan, at sa diwa’y kandilihin

Balang-araw ay tutubo’t parang utang na singilin.

Tugmaang di-ganap — ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig bagamat may iisang uri ng patinig sa loob ng pantig ang huli namang titik ay magkakaiba.

Halimbawa:

May isang lupain sa dakong Silangan

Na nag-aalaga ay sikat ng araw

Kaya napatanyag ay sa kagandahan

At napabalita sa magandang asal

SANA PO MAKATULONG

Explanation:

Answer:

ang ganap ay yung tinatanggap ng isang tula

ang di-ganap naman ay ang mga hindi magandang salita sa tula

Explanation:

HOPE IT HELP

PABRAINLIEST

See also  Pagmamahal Sa Magulang​