Anong Mensahe Ang Nais Ipabatid Ng Florante At Laura?​

anong mensahe ang nais ipabatid ng florante at laura?​

anong mensahe ang nais ipabatid ng florante at laura?

Isa sa mga pinakamahalagang natutunan ko ay ang pagrerespeto sa mga desisyon ng ibang tao. Nakikita ito noong ayaw ni Sultan Ali-Adab na magsama sina Flerida at si Aladin. Para sa akin, hindi dapat pinapakialam ang mga desisyon ng kahit sinong mang tao, lalo na ang anak mo. Sa kuwento, ang gusto lang naman ni Aladin ay makasama si Flerida at masaya na siya. Pero ayaw ni Sultan Ali-Adab ito dahil may pagtinggin din siya sa minamahal ng anak niya. Hindi tama na ayaw mo maging masaya ang isang tao, lalo na ang anak mo, dahil minamahal mo ang iisang babae. Hindi tama ang dahilan na ginamit ni Ali-Adab dahil mali ng mahalin niya ang gusto ng anak niya.

Isa pang mahalagang natutunan ko sa librong ito ay dapat magtulungan ang kapwa tao. Ito’y dahil tao lamang tayo na nakatira sa iisang mundo. Kapag gusto natin manirahan dito na may kapayapaan at kasaganaan, kailangan natin matutunan ang mahalagang aral na ito. Makikita sa libro na si Aladin, kahit iba ang kanyang paniniwala (relihiyon), tinulungan niya pa rin si Florante dahil alam niya ito ay tama at mabuti. Ang tawag dito ay ang “Batas ng Langit”. Para sa akin, ito ang isa sa pinakamapakikinabangang aral sa buong kuwento ng Florante at Laura. Hindi lang dahil kailangan natin magtulungan, kundi dahil ibinabahagi nito na dapat magkaisa tayo. Kapag nangyari na ito, uunlad pa ang bayan natin at siguradong mas magiging masagana ang buhay ng lahat ng tao sa Pilipinas, at sa iba pang bansa.

See also  Ano Ang Mga Ibig Sabihin Ng Elemento Ng Tula

HOPE THIS WILL HELP U

MARK ME AS BRAINLIEST

TY AND GODBLESS!!!