Aral Sa Alibughang Anak

aral sa alibughang anak

Ang Alibughang Anak

Ang kwentong ito ay nagtuturo sa mga mambabasa na ang pagmamahal ng magulang ay walang kapantay na sa kabila ng pagkukulang at kasalanan ng mga anak nakahanda pa rin ang magulang na magpatawad at tanggapin ang anak sapagkat siya ay kayamanang walang katulad. May matandang kasabihan na ang magulang kailanman ay hindi makatitiis sa anak samantalang ang anak ay kayang tiisin ang kanyang magulang. Sa kwento masasalamin ang matandang kasabihan na ito subalit sa katapusan ng kwento nanaig pa rin ang pagmamahalan. Ang pananabik ng magulang sa anak ay patunay lamang na higit pa sa kahit na anong yaman ang pagmamahal ng ama sa kanyang anak na matagal na nawalay. Ang kanyang pag aalala ay hindi matutumbasan ng pag aalo at pag-aasikaso ng mga tagapaglingkod. Bilang mga anak, paka tandaan na sa mundong ito mayroon lamang tayong isang pares ng mga magulang na magmamahal at tatanggapin tayo ng buong buo kaya dapat na pahalagahan at mahalin din natin sila ng tapat.

See also  Tula Tungkol Sa Kahalagahan Ng Pagbabasa Apat Na Taludtod​.