Bakit Tila Si Basilio Lamang Ang Di Nakakabatidvng Kaguluhan At Pagbabago Sa Kapaligi…

Bakit tila si basilio lamang ang di nakakabatidvng kaguluhan at pagbabago sa kapaligiran? Kabanata 26 El Fili

El Filibusterismo

Kabanata 26: Mga Paskil

Sa kabanatang ito kapansin pansin na tanging si Basilio lamang ang di nakababatid ng kaguluhan at pagbabago sa kapaligiran sapagkat hindi siya mahilig sumama sa mga pagpupulong ng mga kabataan ukol sa pagsusulong ng usapin sa akademya. Gayun pa man, si Basilio ay isa sa mga kabataang nag nanais na matuto ng higit pa ukol sa wikang kastila. Sapagkat hindi nais na masangkot ni Basilio sa usaping politikal kaya’t minabuti niyang wag magpakita ng tahasang suporta ukol sa bagay na ito. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang mga karanasan noong siya ay bata pa lamang. Ang pananakit ng sakristan mayor ay sapat na upang siya ay magtanda.

Samantala, naging matibay ang hinala sa kanya ng mga gwardya sibil na siya ay may kaugnayan sa mga paskil matapos niyang sabihin sa mga ito na naparoon siya upang kitain ang kaibigang si Macaraig. Si Macaraig ay kilalang nagsusulong ng usapin sa akademya kaya naman maging siya ay dinakip at ikinulong din. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na linawin ang totoong pakay sa kaibigan. Sapagkat ng mga oras na iyon si Macaraig ay sinisiyasat upang alamin ang kaugnayan nito sa mga paskil. Si Macaraig ang itinuturing na lider ng kilusan ng mga kabataan kaya madali rin para sa mga sibil na isipin na siya ang may pakana ng mga paskil

Read more on

https://brainly.ph/question/2088006

https://brainly.ph/question/2085246

https://brainly.ph/question/2105985

See also  Salitang Nagsisimula Sa Letra Y?