Bumuo ng maikling tula na nag lalarawan sa kahulugan at konsepto ng ekonomiks
Answer:
Ekonomiya, daan sa pag-unlad ng sarili,
ang bansang may matibay na ekonomiya, ay may dalang trabaho.
Kung may hanapbuhay, may perang pambili,
mula sa iyong perang pinagpaguran o iyong sweldo.
Ekonomiya, daan sa pag-unlad ng mga mamamayan,
mura ang mga bilihin, maganda ang kanilang kabuhayan.
Hindi suliranin ang pagkita ng sapat na pera,
may pantustos sa kailangan ng bawat pamilya.
Ekonomiya, daan sa pag-unlad ng bansa,
kailangan ng tapat at mahusay na pamamahala.
Ang pondo ng bayan ay dapat gamiting maigi,
nang ang kaunlaran ay maramdaman ng nakararami.
Ekonomiya, pag-unlad ng ating mundo,
isang pag-aaral na sineseryo ng mga eksperto.
Gawin natin ang ating parte upang mapagtagumpayan,
makuha ang inaasam ng lahat na kaunlaran.
Kahulugan at Paliwanag
Tula Tungkol Sa EkonomiksAng tulang ito ay tungkol sa kahalagahan ng ekonomiya sa buhay ng tao. Ang ekonomiya ay ang nagiging bunsod ng pag-unlad ng sarili, lalo na kung maganda ang ekonomiya. Mas may tsansa na makapag-aral, makapagtapos at makapagtrabaho.
Ang ekonomiya rin ang nagtatakda ng magandang buhay ng mga mamamayan sa lipunan. Ito rin ay repleksiyon ng isang magandang pamumuno ng mga nasa pamahalaan.