ESP 6 Si Kiko na Palaboy Si Kiko ay ipinanganak sa Tondo, Maynila. Nakatira ang kaniyang pamilya sa ilalim ng tulay na may maliit na bahay na yari sa pinagtagni-tagning lumang kahoy, yero at plastik. Sa murang edad ay naulila siya sa ama. Siya ang nagsilbing katuwang ng kaniyang ina, na isang labandera,sa pag-aalaga at pagtataguyod ng kaniyang limang kapatid. Dahil hirap sa buhay, siya ay huminto sa pag-aaral sa ikatlong baitang upang humanap ng mapagkakakitaan para sa pagkain at pag-aaral ng kaniyang mga kapatid. Nais din ni Kiko na makatapos ng pag-aaral at matupad ang kaniyang pangarap na maging inhinyero kaya muli siyang bumalik sa pagaaral. Upang makapag-aral, sa umaga ay kinukolekta niya ang mga basura sa mga bahay-bahay, pagkatapos ay nagbabantay siya ng mga nakapark na sasakyan sa kalsada, at nagdidilig ng mga halaman sa simbahan. Kapag may sapat na siyang kita at pera ay uuwi na siya at papasok sa eskwela. Ito ang gawain niya sa araw-araw. Sa pagtitiis at pagtitiyaga, nagawa niyang makatapos ng hayskul. Sa pagtungtong niya ng kolehiyo, binigyan siya ng iskolarship ng ‘Open Hearts Foundation”. Dahil sa kaniyang sipag at tiyaga ay nakatapos siya ng kursong inhinyero at nakapasa sa board exam. Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa isang malaking kumpanya na nagtatayo ng mga condominiums, hotels at malls. Mayroon na rin silang sariling bahay at nakatapos na rin sa pag- aaral ang lahat ng kaniyang mga kapatid dahil sa kaniyang tulong at suporta. Sagutin ang mga tanong sa inyong kwaderno. 1. Bakit “Si Kiko na Palaboy” ang pamagat ng kuwento? 2. Bakit huminto si Kiko sa kaniyang pag-aaral? 3. Ano ang kaniyang pangarap? 4. Naging hadlang ba ang kahirapan sa kaniyang pangarap na makatapos ng pag-aaral? Bakit? 5. Anong katangian ang taglay ni Kiko upang magtagumpay siya sa buhay? 6. Bakit kailangan nating maging matiyaga sa lahat ng oras at pagkakataon?
Answer:
1. Dahil ito ang pangunahing ideya
2.Dahil hirap sa buhay,
3.inhinyero
4.Oo, out of idea
5. masipag at matiyaga
6. para tayo ay makapagtapos ng pag aaral