Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahin ang tula. Sagutin ang
sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.
Damhin ang amihang may samyo ng mga bulaklak;
Iwaglit ang lumbay, mangarap at ngumiti sa tuwi-tuwina;
Sa kapaligiran ialay ang lugod na abot hanggang alapaap;
Iwasan ang magyurak, pagsira at pag-abuso sa Kalikasang Ina.
Panuntunan ay sundin at ang mga batas na sa ati’ypinaiiral;
Lingapin para sa kalupaan, kalawakan, karagatan at kalipi;
Isipin muna ang gagawin, kalikasa’y laging isaalang-alang;
Nasa disiplina ng tao upang mundo’y laging may ngiti.
Araw-araw ang kalinisan at kaayusan kahit saan mang lugar;
Dapat isaisip, isapuso at isagawa ng matamda man o bata;
O, kay saya ng lahat, may disiplina para sakapaligiran!
Mga tanong:
1. Ano ang mensahe ng tula?
2. Anong ang kailangang gawin ng mga tao para mapanatiling
malinis at maayos ang kapaligiran?
3. Sino-sino ang dapat magkaroon ng disiplina?
4. Ano ang mga mangyayari kapag nagkaisa ang lahat para sa
pinapangarap na mundo?
5. Ano ang naidudulot ng kalinisan at kaayusan sa buhay ng mga
mamamayan?
Answer:
NASA TAAS PO ANG SAGOT AYAW MA POST RUDE DAW SABI NI BRAINLY