halimbawa ng anekdota sa pag ibig
Explanation:
Ang Una kong Pag-ibig
Hindi ibig sabihin nito na ito ang aking una kong relasyon o una kong nakatagpo. Ang unang pag-ibig ay ang kauna-unahang tao na minahal ko ng lubusan na higit pa sa inaakala ko. Masarap umibig, masarap ibigin at lalong masarap ang tunay na pag-ibig lalo na kung pareho kayo ng nararamdaman sa isa’t isa. Sabi daw ng iba ang unang pag-ibig ay hindi mo malilimutan.Siguro sa iba totoo iyon, depende siguro sa pinagsamahan nila. Pero para sa akin, ang pag-ibig ay hindi nawawala, hindi nauubos at hindi nalilimot. Puwede itong mawala ng panandalian at bumalik.
Minsan ko ding naranasan kong umibig ng lubusan. At masasabi ko sa inyong napakasarap sa pakiramdam na may kasintahan ka dahil alam mo may nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo. Ngunit hindi lahat ng relasyon ay nagtatapos sa magandang resulta, marahil tama ang iba na sa una lang masaya. Dahil ang relasyon ay may kaakibat na saya, lungkot. Pipiliin mo kung ang saya at lungkot ay kaya mo bang tanggappin. Ang pag-ibig hindi naman yan sa pagmamahal lang ng kasintahan pwede din naman pagmamahal sa magulang, kaibigan at sa Diyos. Kaya kung ako sa iyo kung hindi ka pa handa sa pag-ibig, kailangan mo muna ayusin ang sarili mo sa lahat ng aspeto at huwag kalimutang magdasal sa Diyos.
Mga karagdagang impormasyon
brainly.ph/question/1667400
brainly.ph/question/725948