Halimbawa Ng Tekstong Impormatibo – Cyberbullying Summary

Halimbawa ng tekstong impormatibo – cyberbullying summary

Explanation:

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang nabigyang-daan nito: ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang personal account ng isang tao nang walang pagsang-ayon niya o sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o pagkawala ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.

See also  Ano Ang Pagkakaiba Sa Kalagayan Ng Lipunan Noon At Ngayon