Ibigay Ang Mga Uri Ng Dula At Paki Isang Halimbawa Nito​

ibigay ang mga uri ng dula at paki isang halimbawa nito​

Answer:

Mga Uri ng Dula

1. MGA URI NG DULA

2. Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula,nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring malungkot,masaya,mapagbiro, masalimuot at iba pa.

3. Ang Dula – ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan

4. Mga Uri ng Dula: 1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan Halimbawa: • Moses, Moses • Jaguar • Kahapon, Ngayon, Bukas(sarswela) • Sinag Ng Karimlan • Anghel ni Noel De Leon • Ang Trahedya Sa balay ni kadil na isinulat ni Don pagurasa

5. JAGUAR Kahapon ,Ngayon at Bukas

6. 2. Komedya – ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo Halimbawa: • Sa Pula, Sa Puti > Plop! Click

7. 3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi Halimbawa: SarinManok ni Patrick c. Fernandez

8. 4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa Halimbwa: • Karaniwang Tao by: Joey Ayala

9. 5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa dito

10. Panahon ng Katutubo

11. Wayang Orang ng mga Katutubo Purwa (Bisaya) • tumutukoy sa pagmamalupit ng mga Sultan sa kanilang aliping mga babae. • Ginaganap kaugnay ng mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa kani- kanilang mga pinuno at bayani. • Patula ang usapan ng mga tauhang magsisiganap

See also  Pasagot Po Pls Ls Nasa Taas Poi Ang Tanong Talamamaat :) What Word Beggins...

12. • Dulang pagtutula kahawig ng Balagtasan ng mga Tagalog. Kinapapalooban ng sayawan at awitan. Embayoka at Sayatan (Muslim sa Jolo at Lanao)

13. B u l o n g • ginagawa o ginaganap sa tunay na buhay kaugnay s panananpalataya, pamahiin o paniniwala at panggagamot.

14. Panahon ng Kastila

15. TATLONG URI NG DULA P a n t a h a n a n – isinasagawa sa tahanan. Halimbawa nito ay ang Pamamanhikan. P a n l a n s a n g a n – isinasagawa sa lansangan. Halimbawa nito ay Panunuluyan atbp. P a n t a n g h a l a n -isinasagawa sa loob ng tanghalan.

16. Paksa ng mga Dulang ipinapalabas • P a n g k a g a n d a h a n g As a l • P a n g w i k a • P a n r e l i hiyon

17. PANRELIHIYON PANUNULUYAN • Dulang tinatanghal sa lansangan • Paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Joseph sa Bethlehem • Ang mga bahay sa paligid ang hinihingan ng mag-asawa ng silid na matutuluyan

18. DALIT • ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria. • P. Mariano Sevilla (Tondo, Nobyembre 12, 1832) FLORES DE MAYO

19. SANTA CRUZAN • ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino.

20. SENAKULO •isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo. • Kadalasan ginaganap sa lansangan o sa bakuran ng simbahan.

21. SALUBONG • Pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong Hesus at ni Maria.

22. TIBAG • isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo.

23. IBA PANG MGA DULA

24. KOMEDYA/ MORO-MORO • isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.

See also  Palaisipan Tungkol Sa Kape Na May Aral​

25. KARILYO • pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.

26. SARSUWELA • isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa. • Severino Reyes o Lola Basyang

27. DUNG-AW • binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa, magulang at anak.

28. KARAGATAN • Nanggaling sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan, tapos nangakong papakasalan niya ang binatang makakakuha nito. • isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.

29. DUPLO • larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay. • Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay.

30. • Pagalingan ito sa pagbigkas at pagdebate, pero kailangan may tugma / sa paraang patula. • Gumagamit ng mga biro, kasabihan, salawikain at taludtod galing sa banal na kasulatan. • BILYAKA at BILYOKO = DUPLERO

31. DUPLO vs. KARAGATAN DUPLO KARAGATAN Mas nauna Pinalitan ng Karagatan May isang paraan ng paglalaro Madalas dalawang lalaki ang naglalaban Parehong gumagamit ng kasabihan, parabula

Explanation:

pili kalang po