Kalagayan ng lipunan noon at ngayon
Answer:
Lipunan —- ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o deskripsiyon sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon
Ang lipunan noon ay ibang iba na sa lipunan ngayon. Kung noon, bahay kubo ang makikita mo sa iyong paligid at mga punong kahoy na sobrang taas. Pero ngayon, bihirang bihira ka nang makakita ng bahay kubo, at kapalit ng mga puno ay mga gusali
Hindi man natin alam, pati ang ating inang kalikasan ay nanangambana rin dahil sa pagbago ng ating lipunan. Dahil sa pag unlad ng mga imprastraktura, nasisira rin ang mga kagubatan, nagiging marumi narin ang mga estero at mga ilog, isa ito sa mga malalaking problema ng ating lipunanNgunit, hindi ito tumitigil dito, dahil sa rin sa pagbago, naapektuhan rin ang mga mamayan na nakatira dito. Nalulong sa mga droga, nakikipag-away, at iba pang mga kaguluhan umuusbong. Ito ang realidad. Ito ang tunay na kalagayan ng ating lipunan