Kasabihan Tungkol Sa Bulalakaw

kasabihan tungkol sa bulalakaw

SA wikang Filipino, kapwa tinatawag na bulalakaw ang asteroid, comet at meteor na pawang mga pinagsamang bato, gas at alikabok na lumilipad sa kalawakan. Pinag-aaralan ng mga scientist ang mga ito dahil ipinalalagay na narito ang susi ng pinagmulan ng mga planeta at solar system. Halos magkapareho lang umano ang asteroid at comet na may konting pagkakaiba.

Kasama rin ang bulalakaw sa mga pamahiin o paniniwala sa kultura ng iba’t ibang bansa. Magdudulot daw ng malas o suwerte kapag merong dumaraang bula-lakaw. Kapag nakakita ng  bulalakaw, gumawa ng kahilingan at iyon ay matutupad. Ginagamit din ang bulalakaw sa mga kuwento, nobela, at pelikula bilang bagay na pinagmumulan ng kapangyarihan at lakas ng isang bida.

Pero ang tila pagiging alamat o misteryo ng bulalakaw ay lumalabo kapag tutunghayan ang ginagawang pagsusuri rito ng mga scientist, astrophysicist at iba pang mga dalubhasa.  Sa agham, isa lamang siyang maliliit o malalaking bagay sa universe na binubuo lang ng gas, alikabok at bato.

See also  A Pilipino Problem A Deep Words Question Above​