Konotatibong Kahulugan At Denotatibong Kahulugan Ng Langit

konotatibong kahulugan at denotatibong kahulugan ng langit

Pisikal na Langit. Saklaw ng termino sa orihinal na wika ang buong lawak ng pisikal na langit. Kadalasan, ang konteksto ay naglalaan ng sapat na impormasyon upang matiyak kung aling dako ng pisikal na langit ang tinutukoy.
Langit ng atmospera ng lupa. Ang “langit” ay maaaring kumapit sa kabuuan ng atmospera ng lupa kung saan nabubuo ang hamog at ang nagyelong hamog (Gen 27:28; Job 38:29), lumilipad ang mga ibon (Deu 4:17; Kaw 30:19; Mat 6:26), humihihip ang hangin (Aw 78:26), kumikislap ang kidlat (Luc 17:24), at lumulutang ang mga ulap at nagbabagsak ng kanilang ulan, niyebe, o mga graniso (Jos 10:11; 1Ha 18:45; Isa 55:10; Gaw 14:17). Kung minsan ang tinutukoy ay ang “kalangitan” (sky), samakatuwid nga, ang mistulang bobida o balantok na nakaarko sa ibabaw ng lupa

See also  Nakakatulong Ba Ang Paaralan Sa Pagkakit Ng Mga Layunin Ng Lipunan ​