Kultura Ng Singapore Pdf

kultura ng singapore pdf

Answer:

Ang Mga Kultura ng Singapore

Bilang dating kolonya ng Britanya at parte ng Timog-Silangang Asya, ang Singapore ay may kulturang pinagsamang pang-silangan at pang-kanluran. Talakayin natin ang ilang bahagi ng kultura ng Singapore:

Iba’t-ibang lahi

Sari-saring paniniwala

Kakaibang batas

Modernong pamumuhay

Iba’t-ibang lahi

Ang mga pangunahing grupong etniko sa Singapore ay ang mga:

Malay

Tsino

Indiyano

Ang islang ito sa dulo ng Malaysia ay naging sentro ng kalakaran; dahil ginamit itong daungan ng mga barko ng Britanya na papunta sa India. Noon pa ma’y nakipagsapalaran na ang mga manggagawang Tsino at Indiyano upang magtrabaho sa Singapore.

Sa kasalukuyan, laganap na ang industriyalisasyon sa bansa. Hanggang ngayon ay lumalawig ang populasyon ng mga dayuhang nagtratrabaho at namamalagi sa Singapore. Nagdudulot ito ng napakayaman at nagkahalo-halong kultura mula sa iba’t-ibang grupong etniko.

Sari-saring paniniwala

Ang iba’t-ibang lahi ay may sari-sariling pinaniniwalaan relihiyon na itinuturo mula sa murang edad. Laganap ang Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo, Taoismo, at marami pang iba. Dahil dito ay napakaraming mga engrandeng gusali ang itinatag para sa ang iba-t ibang relihiyon. Ang mga bumibisita sa mga gusaling ito ay kailangang sumunod sa mga ipinaiiral na paniniwala ng relihiyon, tulad ng pagtakip sa buhok ng mga babae sa mga mosque.

Kakaibang batas

May mga batas na sadyang pinapatupad at nangingibaw Singapore, at hindi matatagpuan sa ibang karatig-bansa. Ang mga ipinagbabawal na ito ay may kaakibat na malaking multa o pagkakakulong: bubble gum, pagdura, pagkakalat, pagtawid sa hindi tamang tawiran, paninigarilyo sa loob ng gusali, paglalasing sa publiko, pagmamaneho ng lasing, droga, at iba pa. Ang pagmamay-ari ng katiting na droga ay maaring maging basehan upang patawan ng parusang kamatayan.

See also  Lumikha Ng Isang Malayang Tula Tungkol Sa Pag-ibig. Ang Gagawing Tula...

Modernong pamumuhay

Karamihan sa mga namamalagi sa Singapore ay mga dayuhan at negosyante. Mababa ang buwis dito kaya nakakaengganyong magpatayo ng negosyo. Maganda ang mga serbisyong publiko at maunlad ang imprastraktura, ngunit ‘di maikakailang malaki ang gastusin upang mamuhay sa bansang ito.