Limang Halimbawa Ng Anekdota​

limang halimbawa ng anekdota​

Mga Halimbawa ng Anekdota

1. Anekdota sa buhay ni Jose Rizal

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa’t ang tugon ni Ina’y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe’y nagpumilit kaya’t sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa’titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.

2. Anekdota sa buhay ni Manuel L. Quezon

Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka’t may sakit, ay dalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka’t ipagbibigay-alam mima niya sa maysakit ang kanyang pagdating

Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang sinabi, “Mr. President, the prest is here.”

Dahil sa maling paghigkas ng nars sa salitang “priest, inakala ng Pangulo na ang kanyang panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, “Sabihin mo sa press” na pumunta sa impyerno,”

See also  Gumawa Ng Isang Talata Na Binubuo Ng 5 Pangungusap Na Nagpapakita Ng Payak , Tambalang At...

Subali’t bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon

3. Ang Tsinelas ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna Bughaw na may halong hintian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umindak kapag nahihipan ng hangin

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.