Magbigay Ng Tula Tungkol Sa Pangarap Maging Abogado Na May Limang Stanza​

Magbigay Ng Tula Tungkol Sa Pangarap Maging Abogado Na May Limang Stanza​

magbigay ng tula tungkol sa pangarap maging abogado na may limang stanza​

Answer:

ABOGADO

Sa aking puso at isipan,

Mayroong pangarap na buhay,

Ang maging abogado man,

Sa hustisya’y maglingkod sa bayan.

Kahit na sa umpisa’y mahirap,

Mga aralin ay dapat pag-aralan,

Pasa ko’y dapat magpakatatag,

Upang marating ang tagumpay na sadyain.

Sagisag ng hustisya’t kalayaan,

Ako’y lalaban sa bawat kaso,

Mga karapatan ay aking ipagtatanggol,

Hanggang sa aking huling hininga.

Magsasama-sama’t magkakaisa,

Upang maprotektahan ang inaapi,

Katotohanan at katarungan,

Ang aking hangad na maibigay.

Sa bawat umaga at gabing tahimik,

Nag-aaral at nagtataguyod ng pangarap,

Sisiguraduhin kong magiging tagumpay,

Ang pagkamit ng pangarap na ito, hindi mapapahiya

Answer:

ABOGADO

Eto na naman ako.

Mas nauna pang gumising sa haring araw.

Binabantayan ang oras at ang mga libro sa ibabaw.

Isang araw na naman ang lumipas, nawala, at hindi na mababago

Tinatanong na naman ang sarili kung ngayon ako ba’y mananalo o baka naman ako’y mabibigo at matatalo

Magbibihis at aalis

Dudukutin na naman ang mga libro

at pilit isasautak ang hindi mga maintindihang termino

Panibagong linggo na naman para sumuko o magbalat kayo

Panibagong linggo, panibagong libro

Panibagong mga libro, panibagong mga termino

Panibagong mga problema, panibagong mga kasagutan

Panibagong mga kasuhan, panibagong mga tauhan

Ako ay abogadopahina, bawat libro at salita na iniiintidi ko, bawat grado na pilit inaangat ko, bawat luha na pilit binabalewala ko, sa bawat problema na hinaharap at haharapin, sa bawat kakulangan na pilit pinupuna upang sapat ay makamtan, hindi ako susuko, hindi ako panghihinaan ng loob, dahil ito ang pangarap ko at alam kong ako ay para dito, at mula noon hanggang ngayon ito pa rin ang una at huling magiging desisyon ko

See also  Kapag Makitid Ang Kumot,matuto Kang Mamalukot

Sa bawat taong patuloy na inaapi, sa bawat taong tumataya at nagbabakasakali, sa mga nasasayang at nagagasto na salapi, sa mga taong api na sa ngiti na lang bumabawi, sa mga gabi na ang tulog ko na hindi aabot sa dalawang minuto, sa bawat dasal na hinihingan ko ng sagot na oo, sa bawat sulat, salita, at pakikidebate ko…

Ito ang una at huling desisyon ko…

Hindi ako susuko

Hindi ako bibitaw

Dahil hindi lang ito para sa aking sarili, sa aking pamilya o mga kaibigan, para din ito sa mga taong nasa laylayan, mga taong nahihirapan at sa aking balikat sila ay aking karga mapa saan man.

Nasa aking mga kamay ang kanilang kinabukasan.

Nasa aking mga kamay ang kanilang magiging hustisya. at kalayaan

Para sa mga taong lalapit at maniniwala sa aking kakayahan

Para sa pagsabi na “Ser, ang hustisyang pinagkait ay inyo ng makakamtan”

Para sa mga taong matagal ng nahihirapan makamit lang ang kalayaanAt ako ang hustisya

Hindi pera ang magpapanalo at magpapalaya sa mga nakapreso

Hindi mga batas na pinapasa at sinusulong ang tunay na tutulong sa kanila, kundi ako

Dahil ako ay abogado

At ako mismo ang hustisya nila

Ako mismo at hindi mga makukuhang papeles, ebidensya, pera at kung ano ano pa

Dahil ako

Ako mismo ang hustisya nila

Ang matawag na abogado ay siyang aking minimithi

Ang dumaan sa pasilyo ng mga korte dala ang hustisya ng madla ay ang kinabukasan na aking pinipili

Kaya bawal letra, bawat pahina, bawat libro at salita na iniiintidi ko, bawat grado na pilit inaangat ko, bawat luha na pilit binabalewala ko, sa bawatPara sa mga taong matagal ng nahihirapan makamit lang ang kalayaan

See also  Slogan About Nutrisyon And Ehersisyo

Ito ay tawag ng Panginoon.

Tawag na magbigay hustisya kahit kanino saan man sila naroroon

Hindi lang ito isang propesyon

Hindi lang parang isang leksyon na katapos ay pwede ng kalimutan at ibaon

Ito ay isang misyon

Isang misyon na galing sa Panginoon

Misyon na magbigay pag asa, laya, at hustisya

Ito ang misyon ko at ito ang buhay ko

Magandang araw po

Ako po pala ang abogado nyo

Magbigay Ng Tula Tungkol Sa Pangarap Maging Abogado Na May Limang Stanza​

Bakit gusto mong maging succesful vlogger. Talakay bakit gusto mong maging nurse more. Pumunta bakit

Kung Magiging Bagay Ka Ano Gusto Mong Maging At Bakit

Mong bakit maging. Talakay bakit gusto mong maging nurse more. Bakit ka pa magre-reseller kung kaya mong maging bodega partner

Bakit gusto mong maging bayani si jose rizal - Brainly.ph

Bakit pangarap mong maging engineer. Bakit ka pa magre-reseller kung kaya mong maging bodega partner. Bakit mo gusto maging isang abogado

Bakit gusto mong maging guro? - YouTube

Bakit gusto kong maging guro. Bakit gusto mong maging bayani si jose rizal. 7 tips kung gusto mong maging youtuber

Talakay Bakit Gusto Mong Maging Nurse More

Gusto mo bang pumunta dito? bakit?. Mong bakit maging. Mong bakit maging ano