Mga Halimbawa Ng Sanhi At Bunga Sa Tekstong Impormatibo

Mga halimbawa ng Sanhi at bunga sa tekstong impormatibo

Answer:

HALIMBAWA NG ISANG TEKSTONG IMPORMATIBO

Umani ng batikos ang isang video ng programa ni Raffy Tulfo kung saan isang Ginang ang nagreklamo tungkol sa gurong umano nagpahiya sa kanyang apo. Pinalabas daw ng guro ang bata dahil hindi ito nakadala ng kard. Ayon sa lola na trauma ang bata sa ginawang pamamahiya ng guro kaya hindi na ito pumapasok. Dahil dito, tinawagan ni Tulfo ang guro at tinanong tungkol sa nangyari. Hiniling ng magulang ng bata na matanggalan ng lisensiya ang guro at nangako si Tulfo na tutulong upang mapadali ang proseso. Hindi ito nagustuhan ng iba pang mga guro sa Pilipinas kaya umani ng batikos at dislikes ang nasabing video. Sa huli, pinakinggan ni Tulfo ang boses ng sambayanang pumapanig sa guro kaya sinabi niyang hindi na patatanggalan ng lisensiya ang guro.

Explanation:

Ang mga sumusunod na pangungusap ay halimbawa ng mga pangungusap na may sanhi at bunga.

1.Pinalabas daw ng guro ang bata dahil hindi ito nakadala ng kard.

SANHI: hindi ito nakadala ng kard

BUNGA: Pinalabas daw ng guro ang bata

2.Ayon sa lola na trauma ang bata sa ginawang pamamahiya ng guro kaya hindi na ito pumapasok.

SANHI: na trauma ang bata

BUNGA: hindi na ito pumapasok

3.Hindi ito nagustuhan ng iba pang mga guro sa Pilipinas kaya umani ng batikos at dislikes ang nasabing video.

SANHI: hindi ito nagustuhan ng iba pang mga guro sa Pilipinas

BUNGA: umani ng batikos at dislikes ang nasabing video

4.Sa huli, pinakinggan ni Tulfo ang boses ng sambayanang pumapanig sa guro kaya sinabi niyang hindi na patatanggalan ng lisensiya ang guro.

SANHI: pinakinggan ni Tulfo ang boses ng sambayanang pumapanig sa guro

BUNGA: sinabi niyang hindi na patatanggalan ng lisensiya ang guro

TINGNAN DIN:

https://brainly.ph/question/2466765

https://brainly.ph/question/1216225

See also  Halimbawa Ng Anekdota Sa Iran