Pagkakaiba Ng pormal sa di-pormal na sanaysay
Answer:
Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu. Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda. Iyan ang kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.
Sanaysay na Pormal
Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.
Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay manghikayat, magturo o magpaliwanag.
Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga sinasabi ng may-akda sa isang sanaysay na pormal. Madalas na ito’y base sa pananaliksik at masusing pag-aaral.
Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas seryoso at teknikal.
Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.
Sanaysay na Di-Pormal
Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding Sulating Impormal.
Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng sumulat nito.
Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling karanasan o opinyon ng may-akda.
Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay manudyo, magpatawa o mangganyak.
Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagka-malikhain ng may-akda.
Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.
Iyan ang kahulugan ng sanaysay na pormal at di-pormal. Sana ay makatulong ito kapag sumulat ka ng iyong sariling sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.
Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click at basahin:
Ano ang isang lakbay-sanaysay? brainly.ph/question/491100
Ano nga ba ang ibig sabihin ng sanaysay? brainly.ph/question/454272
Anu-ano nga ba ang mga bahagi ng isang sanaysay? brainly.ph/question/167003
musashixjubeio0 and 4 more users found this answer helpful
THANKS
2
3.0
(2 votes)
Log in to add comment
Answer
2
gellirose93
Ambitious
10 answers
161 people helped
Answer:
• Ang salitang pormal ay tumutukoy sa isang bagay na ginagawa alinsunod sa mga patakaran at regulasyon na nauukol sa okasyon o lugar.
• Sa kabilang banda, ang salitang impormal ay tumutukoy sa isang bagay na hindi ginagawa alinsunod sa mga patakaran at regulasyon na nauukol sa okasyon o lugar. Ito ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang salita.
• Ang salitang pormal ay ginagamit na may kaugnayan sa damit, pananalita, pagpupulong at iba pa.
• Ang pormal na sumusunod sa protocol samantalang ang impormal ay hindi sumunod sa protocol.
Ito ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang salita, ibig sabihin, pormal at impormal.
bezglasnaaz and 2 more users found this answer helpful
THANKS
2
0.0
(0 votes)
Log in to add comment
Still have questions?
FIND MORE ANSWERS
ASK YOUR QUESTION
New questions in Filipino
A. Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumunod na tanong.Panuto: Humingi ng tulong sa iyong magulang sa pagbasa sa talata.kabila ng kanyang kahirapa …
ano Ang kahulugan ng gamawa
sumulat ng isang maikling kwento na naglalaman ng iyong hindi makakalimutang karanasan noong nakaraang pasko pagkatapos isalaysay mo ito ng masining a …
pa sagut po ng maayos
Paano naideklara na si Job ay matuwid sa paningin ng Dios
Kahulugan ng cITATION
II. Suriin ang mga salita. Lagyan ng tsek ( /) kung ang salitang hiram sa Ingles na nasa kaliwa ay katumbas ng salita sa Filipino na nasa kanan at was …
Pangwakas na pagsusulitTingnan at pag-aralan ang mga larawan. Basahin ang isinasaad sa kahon at gawinito. (2 puntos bawat bilang) Isulat ang sagot sa …
pamantayan sa pagsulat ng balagtasan
Paano mapapaunlad ang wikang pambansa sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, diyaryo, social media at internet? Thanks
Previous
Next