Pagmamahal Ng Magulang Sa Kanyang Mga Anam ​

pagmamahal ng magulang sa kanyang mga anam

Answer:

Ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi kailanman masusukat, hindi kailanman matutumbasan ng salapi, o anumang bagay. Naipapakita nila ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagsasakripisyo. Ang ating “ina” na naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin higit siyam na buwan, hanggang sa mailuwal nya tayo at lumaki. Ang ating “ama”, siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng may magandang kinabukasan. Kanilang gagawin ang lahat ng bagay makita lamang nila na may ngiti sa mga labi ang kanilang mga anak.

See also  Denotatibong Kahulugan Ng Salitang Nakagulaylay Konotatibong Kahulugan Ng Salitang...