Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay
tama at M naman kung ito ay mali.
1. Ang tulang Pamana ay isang halimbawa ng Soneto.
2. Ayon sa tula walang yaman ang magiging katumbas na halaga sa pagkakaroon ng isang ina.
3. Nagtataglay ng kariktan at talinghaga ang tulang Pamana.
4. Binubuo ng lalabindalawahing pantig ang tulang Pamana.
5. Ang tulang Pamana ay isang halimbawa ng tulang liriko o pandamdamin.
6. Ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tungkol sa mapait na karanasan ng may-akda sa pag-ibig.
7. Ipinapakita sa tulang pamana na lahat ay gagawin ng isang anak para sa ikabubuti ng kanyang magulang.
8. Ang paksa ng tula ay kinakailangang hango sa buhay o sariling karanasan ng makata.
9. Sa pagsulat ng isang tula kailangang hitik sa mensahe na ipinapahayag sa kakaunting mga salita.
10. Ang damdaming namamayani sa tulang Pamana ay pagmamahal.
Answer:
1. T
2.M
3.T
4.T
5.T
6.T
7.T
8.T
9.M
10.T
Explanation: