Refleksyon Sa Komunikasyon 300 Words Essay

refleksyon sa komunikasyon 300 words essay

Answer:

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo oh pag sasalita. Komunikasyon ay isang mahalagang bahagi n gating buhay.  Sapagkat ito ay isang uri ng pakikipag usap sa ibang tao. Madali mong maipapadama ang nararamdaman mo kung ikaw ay makikipag usap sa taong gusto mong makausap.  Pakikipag usap ay isa lamang ng uri na maaari mong gamitin sa komunikasyon.  Marami kapang maaaring magamit mahimbawa na lamang ang reaksyon ng muka ay maaari din gamitin na pakikipagkomunikasyon sa iba.

                                                                                                                                      

Iba na ang takbo ng panahon natin ngayon marami na tayong maaaring gamitin na mga teknolohiya sa ating pakikipag komunikasyon sa iba. Halimbawa na lamang dyan ay ang cellphone at internet. Masmadali makipagkomunikasyon ngayon sa tulong ng makabagong teknolohiya n gating panahon. Hindi kagaya noon na kailangan mo pa na magpadala ng sulat sa iyong pag-sasabhan. Matagal na araw pa ang bibilangin para makuha ito ng taong iyong bibigyan ng minsahi at matagal parin bago mo ulet makuha ang sagot niya sa iyong minsahi na ipinadala. Sa ating makabagong panahon ngayon isang pindot mo lamang sa inyong cellphone o sa iyong computer at maaari kanang makipag komunikasyon sa iba kahit nasaan pa siya. Sa loob ng maikling panahon ay makikita na agad niya o maririnig na iyong minsahi na ipinadala. Ganyan kalaking bagay ang naitotolong sa ating komunikasyon ng modernong paraan at mga kagamitan.

Ang komunikasyon ang maraming gamit sa ating buhay maraming magandang naitutolong sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Munin kung mali ang paraan ng pag gamit natin sa ating pakikipag komunikasyon ay maaari tayong makasakit ng damdamin ng iba an gating sariling damdamin. Halimbawa na lamang ang pang-loloko sa iba para lang kumita sa pamamagitan ng komunikasyon. Hindi ka makakatulong sa ganong paraan bagkos eh makakasama kapa sa ibang tao. Ang komunikasyon ay ginagamit para makakuha ay makapag bigay ng impormation. Mga bagong kaalaman at impormation na maaari nating malaman at matutunan at sa tulong ng ating pakikipagkomunikasyon sa iba tao. Ang pakikipagkomunikasyon natin ay isa nag-bahagi n gating buhay. Mahihirapan tayong makipag-usap sa ibang tao kung hindi tayo maalam makipagkomunikasyon. Ang simpling makikipag-usap sa iba ay isang nagpakiki pagkomunikasyon sa kapwa. Halimbawa na nalang sa pag-sakay mo ng jeep sa umaga ang pag sasabi ng “makikiabot nga po ng bayad” yon at pakikipagkomunikasyon na.

See also  WITH EXPLAIN PO PLS 1. 12.88 / 0.92 = 2. 34.08 / 024 = 3. 28.9 / 0.85 =...

Sa pakikipagkomunikasyon sa iba maramikang maaararing matutunan at malaman sapagkat sa pakikipagkomunikasyon mo sa iba ah nagkakaroon kayo ng pagpapalitan ng iyong mga kaalaman at ibat-ibang impormation na nalalaman ng taong nag-uusap. Madaling maipakita at mapairamdam ang tunay na nararamdaman na nasalood ng damdammin sa pakikipag-usap sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon sapagkat maipapakita nito ang imosyon ng isang tao. Halimbawa na lamang pag naghamal ang isang tao maaari niyang sabihin sa “mahal kita” uri na yan ng pakikipag komuniskayon sa iba. Masmadaling naipakita ang imosyon na nadarama.

Ang pakikipag komunikasyon sa iba na nangangahulogan lamang na ikaw ay isang normal na tao at marami pang maaaring malaman at maunawan. Kagaya na lamang ng guro at ang mag-aaral nito pano magkakaruon ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral kung hndi sila nag kokomunikasyon ng kanya mga mag-aaral na tinuturoan.

Sa pamamagitan ng komunikasyon ang Filipinas ay nag karoon ng isang nag kakaisang bansa na nagkakaintendihan ang mga mamamayan na nakatira sa bansang Filipinas. Napakalaking tulong ng komunikas yon sa atin sapagkat kung tayo ay walang komunikasyon ay hindi tayo mag-kakaintindihan. Magiging watak-watak an gating bansa sapagkat walang pag kakaunawaan na nangyayari sa pag-itan ng bawat isang Pilipino. Kakulangan sa komunikasyon ang nag yayari sa mga muslim at cristiano ditto sa Filipinas. Kung meron lamang sila sapat na komunikasyon sa isat-isa kahit ano pa iyan muslim man ito o cristiano mag kakaruon ng maayos na usapan sapagkat meron silang maayos na komunikasyon. Walang gulo na magaganap kung lahat ay nag kakaintindihan at nag kakaisa sa tulong ng pakikipagkomunikasyon at makikipag usap o talastasan sa ibang tao.

See also  Ano Ano Ang Kasuotan Noon?

Ang komunikasyon ay bahagi parin ng ating buhay na kailangan ay pinapahalagana at hindi lamang isinasantabi. Ito ay kailangan mapag-aralan ng sa ganon ay malaman natin ang kahalagan nito para sa atin. Kung bakit kailangan natin ito mag-aralan at matutunan. Ito ay isang bahagi n gating buhay na hindi dapat mawala. Ito ay importate na dapat nating alamin at pahalagahan.

Refleksyon Sa Komunikasyon 300 Words Essay

Ako tagalog sino. Sino nga ba ako. Sino ako bilang tao essay

Sanaysay Tungkol Sa Pandemya 5 Maikling Sanaysay | Porn Sex Picture

Sino ba ako ?, essay by fhixk. Ako tao essay filipino lm q3 bilang opinyon sang dito ayon ipaliwanag. Sino nga ako ba

1 Ano Ang Kaibahan Ng Lakbay Sanaysay Sa Isang Replektibong Sanaysay

Essay tagalog sino ako cleopatra essay. Solution: asean literature lecture. Paano mo nakikita ang iyong sarili limang taon mula ngayon

Need Help Writing an Essay? - essay in tagalog - articlelawphil.web.fc2.com

1 ano ang kaibahan ng lakbay sanaysay sa isang replektibong sanaysay. Ako tao essay filipino lm q3 bilang opinyon sang dito ayon ipaliwanag. Solution: asean literature lecture

Assignment | PDF | Philippines | Poetry

Sino ako bilang tao essay. Sino ako bilang tao essay. Sino nga ako ba