Si Juan Franciso Ay Anak Ng Mayamang Mag-asawa. Pagmamay-ari Ng Ama Niya Ang…

Si Juan Franciso ay anak ng mayamang mag-asawa. Pagmamay-ari ng ama niya ang

pinaka-malaking hacienda sa baryo nila. Isa namang simpleng maybahay ang ina

niya, hindi na nito kailangang magtrabaho sa dami ng pera nila.

Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawa, kampante si Juan na hinding-

hindi na siya mamumulubi hanggang sa pagtanda niya. Ito ang dahilan kung bakit

tamad siya mag-aral.

“Hindi ko naman kailangan gumradweyt, e, hindi ko na nga kailangan mag-aral sa

dami ng pera ninyo ni daddy,” palaging katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng ina

dahil sa hindi pagpasok sa klase niya.

Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit guro niya ay pinupuntahan

na siya sa bahay nila upang kamustahin kung bakit wala siya sa klase.

“Anak, kailangan mong mag-aral. Ang pinag-aralan ang tanging bagay na hinding-hindi

makukuha sa iyo ninoman,” sabi ng ina ni Juan pagka-alis ng guro niya.

Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataong pinuntahan siya ng guro niya sa

bahay nila. Ngunit, talagang tamad si Juan. Mas gugustuhin pa niyang lumiban sa

klase at maglaro sa kompyuter or mamasyal kasama ang barkada.

Isang araw, habang naglalaro ng kompyuter si Juan at kaibigan niyang si Pedro sa

kwarto niya, may narinig siyang isang malakas na sigaw ng ina niya.“Juan! Juan! Ang daddy mo,” sabi ng ina ng batang tamad mag-aral.

Inatake sa puso ang ama ni Juan. Sinundan ito ng iba’t ibang komplikasyon. Halos

dalawang buwan na nakaratay ang daddy niya sa ospital bago ito pumanaw. Pati yung

hacienda na pagmamay-ari nila ay naibenta pambayad sa gastusin sa ospital.

See also  Talumpati Tungkol Sa Racismo

“Anak, sa darating na pasukan, kailangan mong lumipat ng eskwelahan. Hindi na natin

kakayanin yung bayarin sa pribadong paaralan diyan sa baryo,” malungkot ng sabi ng

ina ni Juan sa kanya.

Naghirap silang mag-ina. Maraming pagkakataon na kinailangan ni Juan na pumunta

sa paaralan na walang laman ang tiyan o ang bulsa niya. Doon niya napagtanto na

kung sana e nag-aral siya ng mabuti eh gradweyt na siya sa kolehiyo at makakatulong

na sa ina niya.

Mas bata sa kanya ang mga kaklase niya at ang mga kasing-edad niya naman ay

nagtatrabaho na. Labis ang panghihinayang ni Juan sa mga nasayang na panahon

ngunit wala na siyang magagawa.

“Kung sana pinahalagahan ko na noon pa ang pag-aaral ko, ‘di sana hindi na

nahihirapan si Mama maglabada,” ang pagsisisi na laging bumubungad sa kanya sa

tuwing makikita ang ina na hirap na hirap makakain lang sila.

Gawain 1.2 Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang tema ng kuwentong iyong binasa at anong tunggalian ang inilalarawan sa

akda?

2. Batay sa iyong binasa paano nagbago ang katayuan sa buhay ng pangunahing

tauhan?

3. Paano dapat paglabanan ng mga kabataan ang impluwensya ng mga kaibigan at

paglalaro sa halip na atupagin ang pag-aaral?

4. Ano ang mga hakbang na iyong iminumungkahi upang mahikayat ang mga

kabataan na mag-aral ng mabuti sa kasalukuyan?

5. Ano ang mensahe na nakapaloob sa akda para sa mga mambabasa?​

Answer:

1.waray sinan wun wun aljay sinansinan alwad eman siyawon

2.gartul sinyaw an munyawen lod onkawlan siwan Asawa labistan wan way way

See also  Animal Ang Pormal Na Sanaysay​