Sumulat ng isang Maikling Kwento. (Kalagayanng panlipunan ng kababaihan sa lipunan noon; kalagayan ng kababaihan ngayon; tungkol sa kababaihan at ang kanilang mga karapatan; Paraan ng pagtrato sa mga kababaihan) PLEASE!! HELP ME WITH THIS.
Answer:
BABAE NOON AT NGAYON
Anu-ano nga ba ang pagkakaiba ng babae noon at ngayon, narito ang pagkakaiba ng noon at ngayon:
Ang mga babae noon
Ang mga babae noon ay mahinhin,konserbatibo,maging sa kanilang pagtawa kailangan ay pino.
Ang mga babae noon ay konserbatibo rin sa kanilang pananamit,sila ay nagsusuot ng baro at saya lamang.
Ang mga babae noon ay nakatuon lamang sa mga gawaing bahay.
Ang mga babae noon ay hindi pwedeng ligawan kung saan saan lamang kailangan na sila ay hinaharana sa kanilang mga tahanan.
Ang mga babae noon bago dumilim kailangan na nasa loob na ng bahay.
Ang mga babae noon ay mayroon lamang mahahabang buhok na alon-alon o tuwid lamang.
Ang mga babae ngayon
Ang mga babae ngayon ay wala ng pili sa kanilang mga sinusuot, anuman ang nais nila ay isinusuot na at ipinalalamuti na sa kanilang katawan.
Ang mga babae ngayon ay sunod sa mga bagong style ng buhok may mga iba’t-ibang kulay ibat-ibang style ng buhok at kung minsan ay may nagpapakalbo pa ng kusa.
Ang mga babae ngayon ay malaya ng gawin ang lahat ng gusto nila sa buhay sila narin ang pumipili kung anu man ang nais nilang mangyari sa kanilang buhay sa hinaharap.
Ang mga babae ngayon ay hindi nalang sa bahay,ginagampanan narin nila ang mga trabahong panlalaki
Ang mga babae ngayon ay mas agresibo at palaban, hindi na sila natatakot sa maraming bagay,nasasabi na nila ang kanilang mga nasasa loob at mga nais mangyari.
Ilan lamang iyan sa mga pagkakaiba ng mga babae noon at ngayon ano man ang pagkakaiba ng babae noon at ngayon ay babae parin silang maituturing na kailangan na paglingkuran at igalang, irespeto lalo na ng mga kalalakihan,
B
Explanation: