Sumulat ng talata na may tatlong payak na pangungusap
Payak na Pangungusap at Talata:
Sagot:
Si Sheila ay isang mabait na bata. Siya rin ay masunurin. Dahil dito, si Sheila ay may angking katangian na wala sa iba.
Paliwanag:
Ang payak na pangungusap ay mayroong simuno at panaguri at mayroong buong diwa.
Mga Halimbawa:
- Mabango ang Sampaguita.
- Masarap ang luto niyang adobo.
- Magaling siyang magpinta gamit ang mga daliri.
Kahulugan ng Payak na Pangungusap: https://brainly.ph/question/58071
Ang talata ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng paksang diwa, pagkukuro, o palagay.
Kahulugan ng Talata: https://brainly.ph/question/413266
Mga Uri:
- Ayon sa Kinalalagyan ng Komposisyon:
- panimula
- ganap
- paglilipat – diwa
- pabuod
- malaya
Ang panimulang talata ay tumutukoy sa talata na nagsasaad ng layunin at paksa ng isang pagpapahayag sa isang malinaw na paraan. Binibigyang – linaw nito ang mga bagay na kailangang ipaliwanag, bigyang – katwiran, ilarawan, isalaysay, at kung paano ito tatalakyin habang papalapit sa paksa.
Ang talatang ganap ay tumutukoy sa pagpapaunlad ng mga pangunahing bahagi ng kabuuang ideya. Ito ay karaniwang nakikita sa kalakhang bahagi ng sulatin na sa kabuuan ay ganap na tinatalakay ang mga paksang pangungusap at nililinang ang paksang – diwa.
Ang talata ng paglilipat – diwa ay tumutukoy sa talatang naglalagom ng mga sinundang bahagi ng teksto at nagpapahiwatig ng pagsulong ng paksang tinatalakay.
Ang talatang pabuod ay tumutukoy sa talata na nagbubuod ng mahahalagang pahayag sa katawan ng teksto. Ito ay karaniwang nasa dulong bahagi ng isang koposisyon o teksto.
Ang malayang talata ay tumutukoy sa talatang nagpapahayag ng isang paksa lamang. Ito ay isang uri ng maikling talata na naglalaman ng opinyon at saloobin ng mga manunulat.
2. Ayon sa Nilalaman o Paksa:
- naglalahad
- naglalarawan
- nagsasalaysay
- nangangatwiran
Ang talatang naglalahad ay tumutukoy sa mga talatang nagbibigay – katuturan, nagpapaliwanag, at nagbibigay – kahulugan.
Ang talatang naglalarawan ay tumutukoy sa mga talata na nagpapamalas sa mga bumabasa o nakikinig ng larawan ng kabuuan upang maipakita ang pagkakaiba nito sa mga katulad na talata.
Ang talatang nagsasalaysay ay tumutukoy sa talatang nagsasaad ng pangyayari o karanasan upang makapgbigay ng damdamin sa mga mambabasa.
Ang talatang nangangatwiran ay tumutukoy sa talatang nagpapatunay sa pamamagitan ng mga katibayan o katotohanan ng isang palagay o proposisyon.
3. Ayon sa Bahagi:
- panimula
- transisyunal
- binubuo ng salitaan o diyalogo
- pangwakas
Ang panimulang talata ay tumutukoy sa talata na nagsasaad ng layunin at paksa ng isang pagpapahayag sa isang malinaw na paraan. Binibigyang – linaw nito ang mga bagay na kailangang ipaliwanag, bigyang – katwiran, ilarawan, isalaysay, at kung paanot ito tatalakyin habang papalapit sa paksa.
Ang talatang transisyunal ay tumutukoy sa talatang naglalagom ng mga sinundang bahagi ng teksto at nagpapahiwatig ng pagsulong ng paksang tinatalakay.
Ang talatang binubuo ng salitaan o diyalogo ay karaniwang nakikita bilang bahari ng kwento o isang iskrip ng dula – dulaan o dula.
Ang pangwakas na talata ay tumutukoy sa talata na nagsasaad ng kabuuan ng paksa ng isang pagpapahayag sa isang malinaw na paraan. Binibigyang – linaw nito ang mga bagay na ipinaliwanag, bigyang – katwiran, inilarawan, isinalaysay, at kung paano ito tinalakay sa loob ng talata.
Mga Uri ng Talata: https://brainly.ph/question/121813
Mga Katangian ng Mabuting Talata:
- Mayroong isang paksang pangungusap, lantad o di – lantad.
- Mayroong isang diwa hindi lamang bilang bahagi nito.
- Maayos ang pagkakasulat.
- May kaisahan.
- Magkakaugnay ang mga pangungusap.
- Binibigyang – diin ang punong kaisipan.
- May kaukulang haba.
- May tamang kayarian.
- Gumagamit ng wastong pang – ugnay ayon sa sinusundang talata ng isang teksto.
Sumulat ng isang talata na binubuo ng limang pangungusap lamang na images. Panuto: sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng tatlong talata. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga kababaihan noon at ngayon
Sumulat ng isang payak na talata tungkol sa iyong magagawa bilang. Sumulat ng talata tungkol sa pagkakaiba ng kataan noon at kabataan. Halimbawa ng talata tungkol sa aking paaralan tahanan antas
Isang talata sumulat panuto payak akoy bayani munting. Sumulat ng isang talata na nagpapahayag ng iyong malinaw na opinyon. Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong masayang karanasan kasama
Talata sa bilang bigyan magaaral iyong tungkol magagawa upang payak isang sumulat pilipino. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa pag gamit ng makabagong. Sumulat ng tatlong(3) payak na pangungusap tungkol sa larawan.gumamit
Panuto: sumulat ng isang talata tungkol sa iyong kaibigan. gumamit ng. Sumulat ng maikling kwento na may diyalogo o usapan kung saan ang mga. Solved: gawain sa pagkatuto bilang 4 panuto: sumulat ng isang payak na