Suriin Ang Pahayag Ng Personal Na Misyon Sa Buhay O Personal Mis…

Suriin

Ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay o Personal Mission Statement

Isang mabuting gabay sa ating mga pagpapasiya ang pagkakaroon ng pahayag ng personal na misyon sa buhay o personal mission statement. Ayon nga kay Sean Covey (1998), isang Amerikanong guro, may-akda ng aklat na The Seven Habits of Highly Effective Teens, Begin with the end in mind. Kung sa simula pa lamang ay alam na natin ang gusto o mithin sa buhay, hindi na magiging mahirap para sa atin ang pagpapasiya para rito. Ang pahayag ng

Ang pahayag ng layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para itong balangkas ng iyong buhay.

personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para itong balangkas ng iyong buhay. Iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission statement o layunin sa buhay. Ang iba ay mahaba; ang iba naman ay maikli. Ang iba ay awit; ang iba ay tula. Ang iba naman ay ginagamit ang kanilang paboritong salawikain o kasabihan bilang pahayag ng layunin sa buhay.

Ayon pa kay Covey (1998), ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago. Kailangan natin ang matibay na makakapitan upang malampasan ang anomang unos na dumarating sa ating buhay. Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay nagbabago at maraming bagay ang hindi natin mapipigil o kontrol. Halimabawa, maaaring ngayon ay mayaman kayo, bukas naman ay naghihirap; malakas ang iyong pangangatawan maaaring sa susunod ay hindi. Ibig sabihin ang ating pahayag ng personal na misyon sa buhay ay maaring magbago o mapalitan dahil sa patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyn na nangyayari sa buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing gabay sa pagtahak sa tamang landas ng kaniyang buhay.

See also  Karagdagang Gawain A. Panuto: Gumawa Ng Disenyo Mula Sa Isa Sa Mga Sumusunod Gamit Ang Ka...

Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Covey (1998) sa kaniyang aklat:

1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan na may halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo. Maaaring ang mga ito na ang gamitin mong pahayag ng iyong personal na misyon sa buhay.

2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimanng minuto ay isulat mo ang anomang nais mong isulat tungkol sa iyong misyon. Huwag kang mag-abalang magsala ng mga ideya o itama ang mga pagkakamali dito. Matapos ang labinlimang minuto ay maaari mo na itong salain at itama ang mga pagkakamali sa bararila o gramatika. Sa loob lamang ng 30 minuto ay nakapagsulat ka na ng iyong pahayag ng misyon sa buhay.

3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar kung saan ka maaaring mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon ang paggawa ng iyong misyon sa buhay sa anomang paraang makatutulong sa iyo.

4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang perpektong pagkakasulat ng misyon sa buhay. Hindi naman ito isang proyekto sa isang asignatura na kinakailangan ng marka ng guro. Ito ay personal mong sekreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo. Itanong sa iyong sarili, “Ako ba’y naniniwala na makakamtam ko ang aking isinulat?” Kung masasagot mo ito ng oo, mayroon ka nang pahayag ng layunin sa buhay.

Pahayag ng Personal na Misyon ng Isang Guro

Isang mabuting instrumento ng karunungan na gumagabay sa mga kabataan sa paglinang ng mga kasanayan at pagpapahalagang kailangan nila upang maging mabuting miyembro ng pamilya at pamayanan. Magsasaliksik ng mga bagong kaalaman na kapaki-pakinabang sa pagtuturo at makikipagtulungan sa mga kasamang guro upang maging madali ang pagkatuto at pagsasagawa ng gawain. Patuloy na gagawin ang mga ito bilang paraan ng paglilingkod sa kapuwa at sa Diyos.

See also  Pa Help Po Pls (REPORT WRONG ANSWER/NON-SENSE) B. Panuto: Para Sa Bilang 7...

Layunin

Gumabay at maglinang ng mga kasanayan ng mga kabataan

Pagpapahalaga

Dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo

Nais Marating/Matupad

Maturuan ang mga mag-aaral na maging isang

mabuting miyembro ng pamilya at pamayanan

Bagong kaalaman sa asignatura at pagtuturo

Benepisyong makukuha

Igalang ng mga mag-aaral

Maaaring Balakid sa Pagtupad

Panahon sa pagsasaliksik Mga suliranin sa pagtuturo at pagkatuto

Sino-sino ang makatutulong

Kapwa guro

Punongguro Kaibigan Mga magulang

Bilang isang kabataan at mag-aaral, kailangan mong maging tiyak sa kung ano ang iyong nais na marating o plano sa iyong buhay upang maging matagumpay ka sa pagkamit ng iyong mga pangarap. Ang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay makatutulong upang magkaroon ng malinaw na tunguhin sa buhay at manatiling matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay. Kailangan ito upang bigyan ng tuon o direksyon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.​

Answer:

1.ANG LAYUNIN KO AY MAKAMIT ANG PANGARAP KO NA KASAMA ANG PAMILYA KO

2.ANG PAGPAPAHALAGA KO AY MAISAKATUPARAN ANG PANGARAP O LAYUNIN KO SA BUHAY

3.NAIS KONG MARATING ANG MAAYOS AT MASAGANANG BUHAY NA KASAMA ANG PAMILYA KO

4.ANG BENEPISYO NA MAKUKUHA KO AY SUPORTA AT PASASALAMAT UPANG MAGPATULOY SA BUHAY

5.ANG ISA SA MGA BALAKID SA PAGTUPAD NG LAYUNIN KO AY ANG KAHIRAPAN

6.ANG PAMILYA SIMULA NUNG BATA PA AKO AY SILA ANG KASAMA KO AT SILA ANG SUMUSUPORTA SA LAHAT NG BAGAY NA NAIS KONG GAWIN

Explanation:

tama ba po itong sagot ko?

Suriin Ang Pahayag Ng Personal Na Misyon Sa Buhay O Personal Mis…

Halimbawa ng tula na may dalawang saknong tungkol sa kalikasan. Ang aking pangarap sa buhay essay. Pangarap ang tula daan kayo teacherph ni

See also  Sumulat Ng Tula Tungkol Sa Pag Tupad At Pagkamit Ng Pangarap​

Halimbawang Tula Tungkol Sa Sarili - dehalimba

Paano gumawa ng tula tungkol sa sarili. Tula tungkol magulang pamilya guro sarili pangarap ina tugma mga sukat ibig philippin. Tula sa pagiging matapat sa lahat ng oras

Halimbawa Ng Malayang Tula Tungkol Sa Pangarap - dehalimba

Tula sarili aking pangarap wattpad. Halimbawa ng malayang tula tungkol sa buhay. Tula para sa magulang