Talumpati Tungkol Sa Korapsyon ​

talumpati tungkol sa korapsyon

Answer:

“TALUMPATI TUNGKOL SA KORAPSYON”.

Ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ay ang ugat ng lahat ng kasamaan..Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating kaalaman bansa ay nangunguna sa larangan ng korapsyon.Walang sektor sa ating lipunan ang hindi nasasangkot sa mga anomalya tungkol sa pera at iba pang hindi kanais-nais na mga gawain.Marami ang pinagkakakitaan ng ating pamahalaan.Sa larangan ng turismo,sa medikal na pagpapaganda,sa mga natural na yaman at maging sa pakikipagkalakarang pang-labas,malaki ang naiambag ng mga ito sa kabang bayan ng ating bansa.

Ang mga buwis na lamang ay sapat na sana para makatugon sa panangailangan ng ating mga kapos palad na mga kababayan,ngunit sa pagiging gahaman ng mga ilan ay nauuwi ito sa kanilang pansariling kapakanan lamang.Ang ugat nito ang siyang dahilan ,at ito ay ang korapsyon.Malawak at malala ang suliraning korapsyon.Naging parte na ito ng sisyema ng lahat ng gobyerno.Mayroong mga matitino sa ating pamahalaan, ngunit paglabas nila sa burukrasya ay mga bubot na rin sila.Malakas at sadyang mahirap labanan ang tukso dulot ng malaking halaga ng salapi.

Masyadong maluwag ang ating batas kapag korapsyon ang usapan Bakit?kasi ang gumagawa ng batas tungkol dito ay sila din mismo ang mga pangunahing gumagawa ng katiwalian. Sa aking pananaw ay wala ng sulosyon,bagkus ito ay lalong lumalala.Mayroong kinikilingan ang batas.kapag ordinayong tao ang sangkot,mabilis itong umusad,ngunit kapag maimpluwensyang tao ang sangkot,nauuwi lamang ito sa pagdismis ng mga kaso sa kanalaunan.hanggang hindi magbabago ang sistema ng ating pamahalaan ay habang buhay nating pasanin sa ating mga balikat ang epekto ng korapsyon sa ating bansa.

See also  Magbigay Ng Quotes Ng Pasasalamat Sa Kapwa Tungkol Sa Kabutihang L...