Tama o Mali: Bukod sa Balagtasan, ang mga pagtatalong patula tulad ng karagatan at duplo, gayundin ang palaisipain, ay ilan sa mga halimbawa ng karunungang-bayan?
KARUNUNGANG BAYAN
Noong unang panahon, ang mga tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng mga damdamin at karanasan tungkol sa iba’t ibang bagay sa mundo.
Mayrong ibat-ibang uri ng panitikan isa sa mga ito ang karunungang bayan. Heto ang mga halimbawa ng Karunungang Bayan:
Bugtong
- Isa sa mga larong ito ay ang bugtong-bugtong o kung tawagin sa Ingles ay “riddles”. Ito ay mga palaisipan na ang mananalo o makakakuha ng premyo ay ang makakahula ng palaisipan.
Salawikain
- Ang salawikain o kasabihan, o kilala rin sa Ingles na Proverba, ay ang simple, konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.
Idyoma
- Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.
Kasabihan
- Ang mga kasabihan ay nagbibigay ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa mga pang araw-araw natin na mga gawain, kilos, o disisyon sa buhay.
Palaisipan
- Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba sa karaniwan.
Ang Karunungang bayan ay bahagi ng panitikan kung saan nagbibigay daan ito para maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
Bago paman ang Pilipinas sinakop ng mga kastila, mayaman na tayo sa karunungang bayan kaya dapat itong bigyan ng halaga. Dahil ito ay parte na ng ating kultura.
#CarryOnLearning